Install Theme

agnesvarda:

Submarine (2010, Richard Ayoade)

simena:

Igor Shulman

(via helpfvl)

(Source: weheartit.com, via helpfvl)

lov-eswift:

Sunset in New York City | 7/20/16

(via dexfiles)

(Source: mercury, via poetic)

SA HAULA

Minsan, sa pakikipagtitigan ko sa kawalan
Hindi ko maiwasang maaninag ang takot,
Ang pagtataka, pagkalungkot, at pangamba
Dahil kahit gaano ako kadesperadong
Bulagin ang sarili ko sa mga bagay na
Hindi ko nais makita, alam ko rin
Na pilit akong hahabulin nito

Pilit akong hahabulin ng aking
Mga masamang pakiramdam na pilit ko rin lamang
Pinapaniwala ang sarili na pawang pakiramdam
Lamang dahil alam kong ito ay makatotohanan

Ang pakiramdam na tila ako ay isang leon
Na hindi natitinag ang bangis
Na hindi tumitigil sa pagpupumiglas
Dahil sa tindi ng galit ng pagmamahal
Na kasama kong nakakulong dito
Sa isang maliit na haula kung saan
Limitado ang aking bawat galaw

Na mahal, kahit alam kong nariyan ka lamang
Sa kabilang dako ng mga pinagtagpi-tagping
Bakal na naghihiwalay sa ating dalawa,
Pakiramdam ko'y tayo ay nasa magkabilang
Dulo ng mundo, hirap na hirap magkarinigan
Ang sigaw ng mga puso kahit alam kung ano
Ang ipinaparating ng bawat isa, dahil
Alam rin na kung ano man iyon, doon
Tayo ay nagtatagpo dahil iyon ay iisa

Iisa.
Iisa nga, pero nag-iisa naman.
Nag-iisa ako dito sa loob ng haula
Habang nangungulila ako sa piling mo
Nangungulila sa mga yakap mo
Habang niyayapos ako ng bawat kanto,
At bawat hangganan ng kulungang ito

Nangungulila sa mga halik mo,
Habang wala ring tigil ang paghalik ko
Sa hangin, sa paniniwalang ang bagsak rin nito
Ay ang pagdampi sa mga labi mo

Nangungulila sa init ng mga kamay mo
Habang ang tanging nahahawakan ko lamang rito
Ay walang sinlamig na pinagtagpi-tagping bakal

Ngunit aabutin ko parin ang mga kamay mo
Sa pagitan ng mga malalamig na bakal na ito
Dahil ito lamang ang abot ng aking makakaya

Sisilayan parin ang bawat kurba ng mukha mo
Kahit na alam kong mas lalo lamang akong
Mangungulila dahil sa mga bakal na nakatabing dito

At oo, mamahalin ka kahit na nakakulong
Dahil mas pinanghahawakan ko ang ligaya
Na nariyan ka lamang sa kabilang dako
Kaysa sa lumbay na mayroong namamagitan
Sa gitna ng pagmamahal na gutom na gutom
Sa paglaya, dahil oo, naniniwala ako

Makakawala ako sa haulang ito
At pangako, sa aking paglaya ay
Papalalain ko ang bangis
Papakawalan ko ang tindi ng galit
Ng pagmamahal na naikulong nang
Napakatagal at mahal,
Paninindigan ko na ako ay isang leon
Hindi dahil ako ay nagbulag-bulagan dito
Ngunit dahil ito na, ito na ako.

Ito ako.
Ang nakalayang mabangis na leon
Na sabik na sabik iparamdam
Ang hindi natitinag na bangis
At ang hindi mapantayang tindi ng galit
Ng aking pagsinta

Para sa iyo.

9/12/16